Dahil ayaw ko pang magkuwento sa 80%-nakaka-urat na weekend ko, magpapaka-walang kwenta na lang ako sa survey na nakuha ko kay Berger.
1. Ano'ng Student Number mo? Kebs na anoh. Heh heh...
2. Nakapasa ka ba or waitlisted? Pasado.
3. Paano mo nalaman yung upcat results? Chinismis ng batchmate ko sa high school kasi nagpunta sila sa UP to see the results. (Ambagal ng snail mail nun!)
4. First choice mo ba ang UP? Yup.
5. Alam mo ba UPG score mo? Hinde.
6. Ano yung first choice mo na course? BS Chemical Engineering
7. Second choice? BS Computer Science
8. Ano course mo ngayon? Wala na ako sa school pero huling kurso ko Fine Arts (Vis Comm).
9. May plano ka mag shift? Shiftee ako.
10. chinito/chinita ka ba? Hindi.
11. Nakapag dorm ka na ba? Gusto ko kaso ayaw ng nanay ko. Lumayas na lang ako. Hahaha...
15. Naka Uno ka na ba? Parang hindi ata...
16. 3? Kapag nanggaling ka sa Eng'g, maligaya ka na dapat kung tres ang grade mo...
17. Highest grade: 1.25
18. Lowest: Na-singko ako sa Philo 1 kahit standing ko ay uno. Teacher ko nun si Salvador Carlos. Go figure. :-P
19. Worst experience sa UP: Hmmm... Lahat ata ng kamalasan sa pag-eenlist at sa mga prof dinaanan ko hehe...
20. Lagi ka bang pumapasok sa klase? Ah, depende sa subject. :-P
21. Anong org mo? Dumaan ako sa UP Freshman Assembly. Tas isang org pa na di ko maalala pangalan pero mahilig lang silang gumimik. Tas UPRise (na namatay kasama ng isa-isang pag-alis namin sa unibersidad). Pinakamatibay na 'org' ko ay 'yung college barkada ko.
22. May scholarship ka ba? Sa UP wala. Sa Ateneo full scholar ako dun. Ewan ko ba kung bakit hindi ko pinagsamantalahan ang mga heswita hehe...
23. Ilang units na ang naipasa mo? Marami. Dami ko pang dagdag na units na tinapos ko na wala sa curriculum ko.
24. NANGANGARAP KA BA NA MAG-CUM LAUDE? Hinde. Underachiever ako eh. Hahaha...
25. Kelan ka magtatapos? Magtatapos ng ano?
26. Fave prof: Sir Mel Silvestre, Cesar Hernando & Dodo Defeo sa FA. Patrick Flores sa Hum. Jocano sa Soc Sci.
27. Worst teacher: Simpliciano & Salvador Carlos. 'Nuff said.
28. Fave subject: Art History
29. Worst subject: STS. Super walang kwenta maliban sa bonding with group mates. Atchaka Philo 1 (dahil sa teacher na manyak at walang kwenta).
30. Fave landmark: Roadworks sa tapat ng AS na ngayon ay wala na.
31. Building: Main Library. Kilala kami ng mga librarian kasi ang iingay namin hehe...
32. Paboritong kainan: Beach House at Rodics (where you eat your best! hehe)
34.Magkano bayad sa ikot nun? Uhm, di ko maalala.
35. Lagi ka sa lib? Sa labas lang, nag-iingay. Hehe...
36. Nakapag infirmary ka ba ng minsan kang nagkasakit? Check up lang. At kapag kukuha ng medical certificate.
37. May crush ka sa campus? Oo. Kaso masungit siya eh.
38. BF/GF? Wala. Nada. Zilch.
39. May balak ka bang mag masters or phd? Gusto ko kaya lang...
40. Ano-ano naging PE mo? Swimming, Ballroom Dancing, Archery at PE 1.
41. Kamusta naman yung block section nyo? Masaya. Magkakaibigan pa rin kami. Nakakamiss nga lang. (Berger, naaalala ko 'yung roll call ni Rebi...)
42. Nakapanood ka na ba ng graduation sa UP? Oo. Nood lang ha.
43. Memorize mo a ang Alma Mater Song? Oo, kapag may kasabay. Hehe...
44. Nakaperfect ka na ba ng exam? Oo. Sayang lang di ko tinandaan kung ano. Minsan lang 'yun eh.
45. Anong gusto mo sa UP? Character-building experience ang UP.
45.Anong ayaw mo? Ayaw ko ng gulo at mga kups na teachers.
46.Maganda ba ID pic mo? Asa pa. Kadiri. :-P
47.May ginawa ka bang illegal sa campus? Uhm... baka meron na, hindi lang ako aware. Hahaha...
No comments:
Post a Comment