It's been a while since I've blogged. Ampangit na kasi ng interface ng blogger eh! Blech. I like the old, split-window, barok style. No frills, no cutesy shits that don't do anything but waste bandwidth.
***
Last night I was at Freedom Bar. Reunion ng mga dating banda sa Fine Arts, mostly nung panahong nandun pa ako. Ang saya. Weird pa nga ng dating eh, kasi nagbayad ako to get in hehehe... I was able to catch two bands, Mid-Galactic ButtNuggets, 'yung dating banda ni Rio na ngayon nasa Marty McFly, and Loudwater, 'yung pinakamalupet na RATM cover band 10 years ago. Andaming mga pamilyar na mukha kagabi, mostly mga batchmates ko at 'yung mga regular tambay sa corridors ng CFA. Marami sa kanila di nagbago ang ichura. Dun sa tugtugan, parang nabuhay ulit 'yung dating enerhiya ng mga gigs sa FA na ngayon ay halos extinct na. Kung di lang siguro ako naka-palda, makikipag-slam-man ako sa mga pawising dating tambay ng FA (karamihan sa kanila ngayon ay nagpapaka-award-winning alipins sa mga Ad Agencies). Grabe, nakaka-miss talaga.
***
Nakapagswimming din ako sandali kahapon with Nico, nakipagmeeting with the Smart-Wolfpac dude, pumunta sa Narda jamming, among other things.
***
Parang ang busy ko lately, pero tingin ko parang walang nangyayari. Anubayun. Hehehe...
***
Friday last week nagpunta kami ng Matilda at Lester Cannon sa Tarlac. Gig gimik 'to, para sa meeting de avance sa Sta. Ignacia. Ang kulit ng mga Lester boys (si Billy taga-tawa lang). Kung di dahil sa kanila siguro napanis ang laway ko sa biyahe. Masaya naman.
Umuwi ako kinabukasan mag-isa at naka-bus lang. Di ko matandaan, pero siguro ito na ang pinakamahabang commute ko mag-isa. Umalis ako ng 'hacienda' nila Meh ng Sabado alas-6 ng umaga, nagmuni-muni sa mga palayan at tuyong palaisdaan. Kutob ko gusto pa akong habulin ng baka nung palapit na ako sa unang gate palabas (apat 'yung gate na dadaanan bago makarating sa highway). Natraffic ako pauwi at napagod.
Sinundo ako ni Nico sa EDSA, at nakapag-attend pa ako ng I.n.K. meeting sa UP. Nagdala pa ako ng cds ng Matilda at Narda sa Admit One kinagabihan. Sayang di ako nakapag-stay, balita ko touching daw 'yung Greyhoundz gig nung gabing iyon, with a tribute to their late guitarist. Antok na antok na kasi ako nun, at may recording pa si Nico sa Ponkan. Natulog ako sa kama ni Mark V. habang nagrerecording sila sa dining at living room. Malapit nang mag-alas-5 ng umaga nung natapos sila, pero in fairness, tapos na tapos na talaga ang LAHAT ng electric guitar parts sa album ng Narda. Wahaw. :-)
***
Nga pala, baka interesado kayo--
Tuck & Patti will be performing live in Manila!
21-22 May 2004, Meralco Theater.
'Wag itanong sa akin ang detalye, hindi ako nag-ayos nito. Basta manonood kami ni Nico!!! Woohooooo! :-)
***
Aalis kami papuntang Lucban ala-una ng umaga. Pahiyas naaa!
No comments:
Post a Comment