And pour all you want as soon as I get home. Hehehe... Hassle mag-commute sa tag-ulan. Suwerte lang ako kanina, nakasakay ako agad. Natraffic ako pauwi. Kawawa naman 'yung ibang mga commuters along the way, walang masakyan.
***
Tumugtog kanina ang Matilda at Silent Sanctuary sa Vinzons Rooftop. Patikim ito para sa Freshman Concert na mangyayari sa Hulyo. (Two weeks ago tumugtog ang Narda for the same event, para sa FOPC.)
***
Ang ingay na naman ng kapitbahay naming mahilig sa motorsiklo. They kept on revving at least a couple of bikes, making this hundred-tin-cans-in-a-huge-blender sound, while listening to Evanescence, or whatever was playing on pop radio. Kainis. Nakakajahe lang lumabas ng papungas-pungas at naka-pantulog para pagsabihan sila. At hindi namin talaga sila kilala. Hay nakoh. Akala nila siguro nakakatuwa 'yung ginagawa nila para sa mga kapitbahay nilang may insomya. Hmf.
***
Yesterday Nico and I went to the Marikina City Hall so I could get my Community Tax Certificate. Nalimutan ko, bawal pala ang shorts (kahit 'yung mahabang pang-alis na klase ng shorts) sa munisipyo. Nico had to wait for me at the back lobby of the City Hall. Buti na lang mabilis lang ang pagkuha ng cedula.
Dumaan kami sa Sports Center pagkatapos hoping to see the largest shoes in the world (according to Guiness Book of World Records), kaya lang nilipat na pala 'yung sapatos sa shoe gallery sa Riverbanks. Hehe malay ko ba... hihihi... sayang.
Minsan siguro dapat sadyain kong magtour sa bayan ko. Nakakahiya eh, di pa ako nakakarating sa shoe and doll museums, sa teatro at sa public library ng Marikina. (Mental note: I will have to make time for this.)
No comments:
Post a Comment