Monday, March 27, 2006

Skongkrang.

Anlaki na ng pagbabago ng salitang jologs. Dati derogatory term ito. Ngayon parang cool na siya, lalo na't may palabas na sa t.v. tungkol sa jologs.

Pero ang post ko na ito, hindi tungkol sa cool na jologs. Tungkol ito sa mga chakang jologs. Actually, mas appropriate na term dito ang skongkrang.

skongkrang - n. sobrang chaka ng pagka-jologs. As in kung ang jologs na-jologan sa iyo, sorry na lang, chief, skongkrang ka.

Ayun, pauwi na ako galing Cubao kasama si Marnie nung Sabado ng gabi. Nauna siyang nakasakay kaya naisipan kong kunin 'yung unang sasakyan na mag-uuwi sa akin, di na ako mamimili kung FX o jeep. Jeep 'yung nasakyan ko.

Nung umpisa ok pa naman ang biyahe-- tahimik, walang traffic, walang hassle. Kaya lang sa may bandang Katipunan ata, may sumakay na dalawang lalaki. 'Yung isa, nasa harap ko, 'yung kasama niya umupo sa right side ng katabi ko (ako 'yung nasa kaliwa). Napansin ko, he shamelessly stared from across the person between us. Naiirita na nga ata 'yung lalaki sa pagitan namin (pero thankful ako na nandun siya). I was thinking, baka dahil lang sa buhok ko.

But no. 'Yung nasa harap ko, kumakaway sa akin. Tas may sinasabi siya na di ko pinakikinggan. Sumimangot ako. (Kung di ka pa nakakakita ng pink na buhok, sige tumingin ka, pero di ko sinabing kausapin mo ako.) Tas ngumiti siya sa kasama niya. 'Yung isang pasahero sa tapat ko napapansin na niya 'yung dalawang gago. Di siya umiimik, pero sa tingin ko siya 'yung tipong mang-uupak ng skongkrang kung bibigyan mo ng pagkakataon.

Tas may sinabi 'yung pangit na nasa harap ko: "Di ka naman namin gagalawin e." 'Yung kaliwang kamay ko, automatic na kinapa 'yung brass knuckles sa bulsa ko. (Uupakan ko 'to kung di ito tatahimik.) Pero shempre kinakabahan ako. Ayokong malaman kung anong klaseng 'panggagalaw' ang ibig nilang sabihin.

Buti na lang bumaba sila agad. Pero binuwisit nila ako ng todo. Grrr.

*****

Ano man ang unit cellphone mo at marami kang load, kung Gn2 k nMn mgTxT (e.g. Wer n Ü d2 na me KninA p aQ), tas puro walang kwentang cryptic messages at higit sa lahat alam mo ang pangalan ko at di ka nagpapakilala (at pahinga-hinga ka lang kapag tinawagan ka), ay potah, skongkrang ka.





Yes, you guessed it. Yesterday I acquired a text spammer. It also messaged InKies Brian and Joel a couple of times each, too. It messaged me at least four times. At na-disturb ako sa mga messages niya somehow. Tinanong ko kung sino siya via SMS and phone call pero deadma. Joel sent it a bible verse. (I really hope it's not a Jesus-freak, or you'll be in trouble, Joel! Haha...)

To the owner of mobile number +639155154377,

While I appreciate your time, effort and use of resources to message me, I hope you also went the extra mile by introducing yourself and owning up to the fact that you're in dire need of friends and that you just badly needed someone to text you back. Siguro gusto mo na may strangers na magtext din sa iyo ng cryptic messages ano? (*hint, hint*)

I also suggest you familiarize yourself with the responsible use of mobile communication. Kung gusto mong basahin ng makakatanggap ang message mo, 'wag kang mag-imbento ng sarili mong abbreviation at syntax. Bukod sa nakakairita, hindi ito naiintindihan. Hindi decoder ng secret message ang mga pinadadalhan mo ng text.

Kung maisipan mo akong i-text ulit ng ganun, huwag kang mag-alala. Alam ko na ang number ng National Telecommunications Corporation na binigay sa akin ng Globe kahapon (it's 02.926.7722, in case anyone is interested). Sila na ang bahalang kumausap sa iyo.

Kung nagkataon naman at kakilala o kaibigan pala kita at nangti-trip ka lang, hindi ko babawiin ang mga sinabi ko, lalo na 'yung part na tinawag kitang skongkrang. Sorry na lang talaga, chief. You asked for it.

Sincerly,
ako


2 comments:

  1. Hahaha! I learned a new term today. Wahoo! Oh yeah, kainis talaga ang mga ganun. Dahil naka-unlimited text lang kaya ganyan. Sheesh. Dedmahin na lang ang mga walang magawa sa buhay.

    ReplyDelete
  2. Onga eh. Bad trip talaga. Sana ipasa na lang niya 'yung load niya sa akin. Hehe.

    ReplyDelete