Bwiset!!! The other night naglalaro si Mingoy ng Black Jack sa Palm ko (at nananalo siya-- $132,000++ na ang pera niya) ng biglang nagka-fatal exception, tas ayaw na umandar ng touch screen ng matino. Hindi ko maayos 'yung settings kasi di ko ma-access 'yung drop down menus kasi nga sablay 'yung digitizer.
Umaandar na siya ng matino ngayon. At baket? Kasi... kasi... nag-hard reset ako. :-(
Waaah! Nabura lahat ng third-party applications ko!!! That includes my star map, Noble Moor, Bejeweled, 'yung pusoy dos, Mars Needs Cows, jedi wisdom from Yoda at higit sa lahat: 'yung mahigit 8 million na score ko sa Text Twist (at ongoing pa 'yung game, hindi pa ako dead). GAAAH!!!
Tae.
***
Shempre ang aga-aga gising na ako. Ay, correction: gising PA ako. Paano kasi nakauwi ako an hour and a half ago, galing ako sa Ponkan kasi nagrecording si Nico (at di pa natapos ang isang kanta). Nakatulog naman ako dun sa kama ni Ryan, in fairness, so okay lang. Di lang ako natulog pagkauwi kasi I need to print several pages for my mom kaya lang nagloloko 'yung floppy drive niya, hindi ko matransfer 'yung files niya sa PC ko. Di ko naman malipat 'yung printer ko sa PC niya kasi, uhm, engot ko, nabasag ko 'yung driver CD na kasama nung printer (don't ask me how that happened, I don't know either). Kaya eto, I physically relocated my mom's PC next to mine so I can connect to the net using my PC's phone line and download the driver off the Epson site. (At nagba-blog na lang ako sa PC ng mom ko to while away the time. Putek ang bagal...)
In one word: HASSLE.
***
Di ako makakaswimming today. Matutulog ako. Hmf.
No comments:
Post a Comment