Sniff. Umuwi ako kagabi ng masama ang pakiramdam. Masakit ang ulo, masakit ang puson, masakit ang lalamunan, mejo sinisipon, nanghihina, parang lalagnatin. Ang KJ ko tuloy. I wouldn't know what to do kung wala si Nico.
Kahapon kasi, pumunta ako sa UP CFA para sa monthly I.n.K. meeting namin at para sunduin si Meh. At this point masama na ang pakiramdam ko. Tumuloy kami sa Makati for the Chalk photoshoot (nagkita-kita muna kami ni Jovi, Coi and Charms sa Quezon Ave. station ng MRT, si Yvette andun na sa venue). Di ko na naabutan 'yung shoot ng Narda, pero hinintay ako ni Nico sa studio (awww...).
Mukhang barkada pic 'yung photos ng Matilda! Hehehe... Kakaiba. Makikita ninyo 'yun sa May issue ng Chalk Magazine. (Actually may low res pics ako pero di ko pa nada-download from the camera.)
Nico and I left the shoot a bit earlier because we had to catch the 2nd PBA game (Ginebra vs San Miguel) at Philsports (ULTRA). Nakita namin si Kathy G! (Ngarag ang lola hehehe... working mode! Hi, Kathy!) Nico was stealing glances at Sarah Meier who was sitting in the same row. Talo Ginebra (kampi ako by, uhm, default hehehe). Tsk tsk.
After several episodes of option paralysis we finally came to Pearl Drive to have late dinner. By this time ang sama-sama na talaga ng pakiramdam ko. Nico took me home agad. (Pero di pa rin ako nakatulog. Slept really late, woke up really early.)
***
Nung Friday nga pala nag-brisk walking kami ni Nico sa UP. Feeling namin papayat na kami hehehe... (Pero mukhang hindi pa rin, kumain kami sa Rodics pagkatapos, tas ice cream sa Celebrity habang nagbibilyar hahaha...) ;-P
Tas pumunta kaming Ponkan kasi dapat magrerecord si Nico, but we ended up hanging out and napping instead.
***
Sana sipagin ako today. Mukhang kailangan ko nun... :-/ (Tinatamad pa akong kumain ng lunch, plus may kailangan talaga akong gawin for tomorrow.)
***
Sa wakas, naka-access na rin ako ng Friendster matapos ang isang linggong nire-redirect lang nila ako sa log-in page ko. Tae talaga, kesyo may bug daw sila sa IE chenes chenes tas magdownload daw ako ng Mozilla. Pweh.
No comments:
Post a Comment