May karugtong pala ang nakakainis na Lunes. Kaya tuloy kahapon ng hapon biglang sumulpot dito sa bahay si Nico ng walang sabi-sabi. Nagulat ako kasi papasok na ako ng banyo para maligo nung sinabi niyang nasa labas siya. Pumunta kaming Robinsons Metroeast para magbayad ako sa Globe (yumayaman talaga sila sa akin, hmf) at kumain ng hapunan.
Millennia na ang tuloy ko pagkatapos para makipag-meet sa isang events manager at para asikasuhin ang gig ng Matilda. Di sumipot 'yung mga estudyante ng PUP na mag-iinterview raw sa akin (di ko alam kung para saan iyon pero pumayag ako hehe).
Sungit mode.
Di ko maintindihan kung bakit pagod na pagod ang pakiramdam ko ngayon. Late naman nagsimula ang araw ko. (Pero siguro rin dahil maaga ako nagising at putol putol na naman ang tulog ko.) Pumunta lang ako ng Quad 2 sa Ateneo para sa gig ng Narda ng alas-7 ng gabi matapos bumangon at maligo (yep, bumangon ako late na, pero gising ako maaga pa lang).
Dumaan ako sa launch ng Silent Sanctuary (as in literally dumaan) para mag-abot ng congrats at magpakita kay Zarah bago ako umuwi. Malamang tumutugtog na sila as I type. Andaming tao, ang hirap nilang hawiin para makarating lang ako sa harap. Sayang lang, kasi sabi ni Zarah di raw dumating 'yung ila-launch na cd. Paano kaya 'yun? :-/
Ambait ni Nico, hinatid niya ako dun at naghintay, at hinatid pa ako hanggang bahay. Thank you talaga.
***
Kaninang umaga tinext ako ni Nico, niyayaya akong manood ng PBA sa Linggo. Kakaibang date 'yun ah. Hehehe...
***
Isang beses pa lang ako kumain sa araw na ito, kaninang 8:30 ng gabi lang, kaya busog na busog ako ngayon. Sayang corned beef pa naman ang ulam dito ngayon sa bahay.
***
Bukas!
Matilda @ To Precious In The Stars @ Kamia Residence Hall &
Narda @ Sili Lab Songs Part 2 Admit One @ Rock Radio Alabang.
Pili na lang kayo kung saan kayo pupunta. :-)
No comments:
Post a Comment