Tuesday, February 17, 2004

Siga.

'Yun 'yung highlight ng Lunes ko. Siga. Cornik na masarap na may mascot na kamukha ni 2D sa Gorillaz. Pero sana hindi na maulit ang Lunes.

***

Bumawi naman ako kahapon e, kahit paano. Productive naman, kahit late nagsimula ang araw ko. Nakuha ko 'yung mga remittances ng UP Underground Music Community sa mga consignments ko nung UP Fair. Nakuha ko rin 'yung pina-photocopy namin ni Jing na book. Tas pinuntahan pa ako ni Nico sa Casaa.

Pumunta kaming Film Center para manood ng independent short films kaso mali pala ang ibinigay sa akin na sked ni Charms. 5pm pala siya nagsimula, hindi 4pm and 7pm. Ayun, isang film na lang 'yung naabutan namin ni Nico, at napanood ko na siya dati. Sayang.

Kumain na lang kami ng hapunan sa Chocolate Kiss sa second floor ng Bahay ng Alumni. (Ang saya. Wala lang.) :-)

***

Huling balita na ito, pero share ko lang: ang saya ng Valentine's ko (kahit di naman talaga big deal itong araw na ito). Mamatay kayo sa inggit. Hehehe...

At pumunta ako ng final gig ng Fatal Posporos last Sunday sa Millennia, pagkatapos ng workshop/meeting namin sa Ponkan. Masayang malungkot. Nabigay ko na rin sa wakas 'yung =w= shirt kay Annette. (May utang pa akong isa pang shirt.) Nagbantay lang ako ng merch booth, feeling lonely girl kasi umuwi agad si Nico.

And after 48 years, nakapag-Nakayama ulit ang mga tambay regulars! (Joey, Echo, Zarah da shota, plus Ryllah and Catrice) Nakaka-miss, grabe.

***

The Kamia Incident: one year to the day.

Last year, one drunken UP student rammed his BMW onto a registration booth at the Kamia Residence Hall, injuring at least five people and ultimately killing one student, Precious Baldo.

Today we commemorate this incident with prayers and a candle-lighting ceremony at Kamia. Punta tayong lahat mamaya, 6pm.

May justice be swiftly served to you who have no shame (yes, you, Richard Ong, and to your nameless passengers who took flight that night).


No comments:

Post a Comment