Just got home. Nagkita kami ni Nico kaninang 6:45pm sa Ateneo tas pumunta kami sa bahay niya para manood ng Mila ('yung pinagbidahan ni Maricel Soriano bilang guro), kelangan daw kasi sa makabayan chenes ni Nico. (Ah basta, di ko kaya ipaliwanag eh hehe...)
Okay naman 'yung movie. Mejo exag 'yung pagka-trahedya pero at least keri ng mga artista 'yung mga roles nila. Nabanggit ko dati na gusto kong maging pilantropo, pero hindi tulad ni Mila. Di ko ata kaya 'yung ganung klase ng pagpapakabayani.
(Nami-miss ko tuloy 'yung movie night namin kina Jazz at Jason. May side trip pa na barbecue at hotdog kay Brader. Nami-miss ko rin ang Nakayama nights. Madalas kasi nasa bahay or gig na lang talaga ako.)
Pagkatapos pinanood namin 'yung DVD ng 50th Wedding Anniversary ng lolo't lola ni Nico (this happened in the mid-90s). Nakakatawa kasi may dance number si Nico dun. Hehehe ang cute-cute! :-)
***
Ay! Highlight nga pala of my day! May pasalubong sa akin si Nico na Ruffles Sour Cream and Cheddar! (At ang magaling dun, di pa raw niya nabasa 'yung previous entry ko rito hehe...) Thank you thank you thank you! :-)
***
Tsk, tsk. Anubayan. Nanggaling na ako kina Nico nalimutan ko pang kunin 'yung Mali Music cd ko (galing kay Wilbert na pinadala kay Jason at ibinigay kay Nico 'nung nagpunta siya sa mga Caballa-- ang gulo anoh? hehe).
No comments:
Post a Comment